Blue Clear Folder - Hindi ko pwedeng iwanan ito dahil dito nakalagay ang aking mga handouts, psychological test, quizzes at kung ano-ano pang papers.
Ballpens - Oo, madami akong ballpen, palagi ko kasing naiwawala kaya bumili na ako ng madami. Minsan naman pag nahiram di na binabalik.
Wallet - Malaki wallet ko, Ayoko ng nalulukot ang pera. Pero madalang magkalaman yan! Hahaha, pero hindi ko ginagastos yung mga bagong bills.
Cologne - Gusto ko yung scent ng Clinique Happy for Men, Amoy malinis lang sya.
Bench Molding Clay - Dala ko sya para laging neat tingnan buhok ko.
Pamaypay - Sa sobrang init sa BSU dapat mayroon ka nito.
Face Powder - Mabilis kasi mag oily ang skin ko. May pagka vain talaga ako. Hahaha I’m using Clinique sheer face powder. Hypoallergenic kasi sya.
Facial Wipes - Incase na may mahawakan na dirty, pero usually talaga pangtanggal sya ng dumi sa White Uniform ko! Try mo! haha
Alcohol - Hindi kasi maiiwasan na hindi ka mapag abot ng bayad sa jeep, kaya dapat meron ka nito.
Mouth Wash - Mahilig kasi kami mag foodtrip ng mga classmate ko! Kaya lagi akong may dala nito.
Umbrella - Yup, Pink sya, bigay lang ni mommy eh.
Cellphone - Nokia x2 gamit kong phone ngayon, Maganda kasi quality ng sound nya at 5 megapixel pa ang camera.
Internet Tablet - dyan naka save ang reviewer ko, research, powerpoint presentation at mga document sa school. Minsan pag bored napapakinabangan ko din sya. Haha!